Month: Setyembre 2024

Desisyong Pabigla-bigla

Bilang kabataan, nagmamaneho ako nang sobrang bilis para sundan ang kaibigan ko pauwi sa kanila pagkatapos ng praktis namin ng basketball. Malakas ang ulan noon, at nahihirapan akong makalapit sa kotse niya. Bigla, dumaan ang wiper at luminaw ang windshield ko, at biglang nakita ko ang kotse ng kaibigan ko na nakahinto sa harap ko! Tinapakan ko ang brake, pinapaling ang sasakyan,…

Malikhaing Pananampalataya

“Tingnan mo, Papa! Kumakaway sa Dios ang mga puno!” Habang nanonood kami ng mga ibong nababaluktot sa hangin dahil sa paparating na bagyo, ganyan ang masiglang obserbasyon ng apo ko. Napangiti ako at napatanong sa sarili, Mayroon ba akong ganoon kamalikhain na pananampalataya?

Kitang-kita ang gawa ng Dios sa paligid natin sa lahat ng nakamamanghang ginawa Niya. At isang araw, kapag…

Matutong Magmahal

Sa isang eskuwelahan sa Greenock, Scotland, tatlong gurong naka-maternity leave ang nagdadala ng mga sanggol nila kada dalawang linggo, para makasalamuha ng mga bata roon. Ang pakikipaglaro sa mga sanggol ay nagtuturo sa mga bata ng pakikiramay, o iyong pag-intindi sa nararamdaman ng iba. Madalas, ang tumutugon ay iyong mga estudyanteng “medyo mahirap,” sabi nga ng isang guro. Natutunan nila “kung…

Iniahon

Triple ng itinayang dami ng ulan ang bumuhos sa Waverly, Tennesee noong Agosto 2021. Pagkatapos ng malakas na bagyo, 20 katao ang namatay at daan-daang bahay ang nasira. Kung hindi sa awa at galing ng piloto ng helicopter na si Joel Boyers, mas marami pang buhay ang nawala.

Rumesponde ang piloto sa tawag ng isang babae na nag-aalala para sa…

Haleluya!

Kahanga-hangang inabot lang si Handel ng 24 araw para isulat ang oratoryong Messiah—ang ngayon ay marahil pinakakilalang komposisyon, tinutugtog nang libong beses kada taon sa buong mundo. Ang rurok ng likhang ito ay ang Hallelujah Chorus.

Habang inaanunsyo ng mga trumpeta ang simula ng koro, nagpatung-patong ang mga boses ng choir habang inaawit ang mga salita sa Pahayag 11:15. “Maghahari siya magpakailanman.”…